Pages

Tuesday, January 06, 2015

Kaso ng mga nakawan sa beach front ng Boracay muling naitala

Posted January 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muli na namang nakapagtala ang Boracay PNP Station ng ilang kaso ng mga nakawasan sa isla ng Boracay ngayong araw.

Katunayan ilang turista ang nagreklamo sa himpilan ng pulisya matapos na mawalan sila ng mga gamit katulad ng cellphone at wallet na iniwan sa beach area habang naliligo sa dagat.

Wala namang nagawa ang mga pulis para matunton ang mga sinasabing suspek dahil sa hindi din makapagbigay ang mga biktima ng impormasyon sa responsable sa nakawan.

Pinaalalahanan naman ni BTAC o Boracay Tourist Assistance Center Officer In Charge PSInsp. Fidel Gentallan ang mga turistang maliligo sa dagat na kung maaari ay huwag ng madala ng mga mahahalagang gamit sa oras na maligo ang mga ito sa dagat.

Aniya, dahil sa sobrang dami ng tao sa beach area ng Boracay ay hindi na matukoy dito kung sino ang mga may may maiitim na balak.

Nabatid na ang nasabing insidente ay kadalasan na ring nangyayari sa isla ng Boracay kung saan paboriting biktimahin ng mga magnanakaw ay ang mga turistang naliligo sa dagat.

No comments:

Post a Comment