Pages

Wednesday, January 21, 2015

Kalibo Ati-Atihan Festival, “generally peaceful” - APPO

Posted January 21, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sa kabila ng ilang mga naitalang gulo.

Inilarawan pa rin ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival bilang “Generally Peaceful.”

Ayon kay Aklan Police Director Senior Superintendent Iver Apellido, maliban sa naitalang kaso ng pananaksak at ilang nakawan sa siyam na araw ng selebrasyon.

Wala nang anumang malalaking insidente o aksidente pa na nangyari sa gitna ng aktibidad.

Sa kabila nito, sinabi din ni Kalibo Police Chief Superintendent Pedro Enriquez na naging mapayapa ang pagsasagawa ng kanilang checkpoints and police assistance centers.

Gayunpaman, anya may mga kailangan pa ring ayusin at dapat e-improve pagdating sa traffic rerouting.

Samantala, nabatid na nagpakalat ng nasa mahigit 800 na mga pulis ang APPO kaakibat din ang mga barangay tanods, Philippine Army, civilian volunteers and auxiliary police upang tiyakin ang seguridad sa nasabing selebrasyon.

Kaugnay nito, bumisita din si Police Regional Office (PRO)-6 Police Director Chief Superintendent Josephus Angan sa araw ng kapistahan upang e-monitor ang sitwasyon sa bayan ng Kalibo.

No comments:

Post a Comment