Pages

Thursday, January 08, 2015

Ibat-ibang paghahanda para sa APEC Summit 2015 sa Boracay puspusan na

Posted January 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Local Government Unit ng Malay para sa nalalapit na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Boracay.

Sa ginanap na 1st Regular SB Session ng Malay nitong Martes sinabi ni 2015 APEC Malay Task Group Focal Person at SB Member Rowen Aguirre na nag-laan sila ng pondo para sa ilang preperasyon sa gaganaping ministerial meeting sa isla.

Kabilang umano rito ay ang pagsasaayos ng mga kalsadahin sa Boracay at ang National road mula sa Kalibo International Airport papuntang Caticlan sa bayan ng Malay katuwang ang National Government at Department of Public Works and Hi-ways (DPWH).

Ayon pa kay Aguirre malapit na din umanong simulang maitayo ang mga street lights sa isla na may LED para rin sa paghahanda sa naturang Summit.

Sinabi pa nito na ilang meeting na rin umano ang kanilang ginawa kasama ang mga organizing committee para sa paglatag ng seguridad at iba pang preparasyon.

Nabatid na patuloy ngayon ang kanilang ginagawang seminar tungkol sa APEC Summit sa darating na Mayo kung saan dadaluhan ito ng mahigit dalawang libong delegado mula sa dalawamput isang bansa kasama ang kanilang mga pamilya.

No comments:

Post a Comment