Pages

Saturday, January 10, 2015

Eleganteng barko ng MS Costa Victoria, dadaong sa Boracay ngayong Lunes

Posted January 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ngayong Lunes na muling dadaong sa isla ng Boracay ang MS Costa Victoria.

Sakay ng eleganteng barko ang 2, 394 na pasahero at 800 na crew.

Ayon kay Special Operations Officer III Jean Pontero ng Catilcan Jetty Port, dadaong ang bandang alas-12 ng tanghali at aalis naman bandang alas-8 ng gabi.

Sinabi din nito na wala umanong maiden call na mangyayari sa pagbisita ng nasabing cruise ship dahil sa makailang beses na rin itong bumisita sa isla.

Sa kabila nito mas paiigtingin din umano nila ang kanilang gagawing seguridad sa mga lugar na bibisitahin ng sakay ng mga cruise ship katulad ng Mt. Luho, Puka Beach, D’Mall at Ati-Village.

Nabatid na ang MS Costa Victoria ay kilala bilang isa sa mga eleganteng barko na dumaong dito sa Boracay dahil sa angkin nitong ganda at mga pasilidad sa loob.

Samantala, karamihan sa mga pasahero ay mga European at isang daang Chinese passengers habang 20 porsyento sa 800 crew ay mga pinoy.

No comments:

Post a Comment