Pages

Tuesday, January 27, 2015

Binatang nagtutulak ng illegal na droga sa Boracay, huli sa entrapment operation

Posted January 27, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Arestado ang isang binata na nagtutulak ng illegal na droga sa isla ng Boracay matapos na isagawa ang isang entrapment operation ng mga pulis.

Ayon sa blotter report ng BTAC, isinagawa ang nasabing operasyon ala-una y medya kaninang madaling araw sa Barangay Balabag Boracay.

Sa pinagsanib na puwersa ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group at Boracay PNP Station, arestado ang suspek na si Dominick Carillo y Ismael, 20 anyos ng Barangay Camanci Norte, Numancia, Aklan.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang sachet ng shabu, buy bust money na nagkakahalaga ng siyam na raang piso, at isang cellphone na naglalaman umano ng mga illegal drug transactions nito.

Samantala, kaagad isinailalim sa inquest proceedings ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o an act instituting the comprehensive dangerous drugs act of 2002.

No comments:

Post a Comment