Pages

Friday, January 23, 2015

Barangay Yapak, nakatanggap na ng 1st Notice kaugnay sa road set back ordinance ng Malay

Posted January 23, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nakatanggap na ng 1st Notice kaugnay sa road set back ordinance ng Malay ang Barangay Yapak.

Ito ang kinumpirma ni MPDO o Municipal Planning Officer Alma Beliherdo kaugnay sa ipinapatupad nilang Municipal Ordinance No.2000-131.

Ito ang ordinansang nag-uutos ng anim na metrong road set back mula sa sentro o gitna ng kalsada ang anumang temporary o permanent structures.

Tapos na rin umano kasi ang kanilang inventory sa Barangay Manoc-manoc at may mga nagko-comply na rin sa Barangay Balabag.

Ayon pa kay Beliherdo, dapat i-commend ang mga establisemyento na nag-self demolish o kusang giniba ang kanilang istraktura na pasok sa ipinagbabawal ng ordinansa, habang paalala naman sa mga hindi pa sumusunod sa kabila ng ilang taon na rin umano nilang paalala.

Samantala, magugunitang sinimulan ang road setback clearing operation ng MPDO nitong nakaraang taon bilang bahagi umano ng paghahanda sa nalalapit na APEC o Asia-Pacific Economic Cooperation sa isla.

No comments:

Post a Comment