Pages

Monday, January 26, 2015

Ati-Atihan festival ng Ibajay Aklan, matagumpay na naidaos

Posted January 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Matagumpay na naidaos ng Local Government Unit ng Ibajay, Aklan ang kanilang Ati-Atihan Festival 2015 kahapon araw ng Linggo.

Ito’y dahil sa pagdagsa ng libo-libong katao na nanuod at nakisaya sa street dancing activity kasabay ng pagparada ng mga naggagandahang float na kung saan ibinida rito ang produkto ng bawat brgy. ng Ibajay.

Mistula namang naging malaking siyudad ang nasabing bayan dahil sa pagdagsa ng mga tao at deboto ni Senior Santo Niño mula sa ibat-ibang bayan sa probinsya para makisaya sa nasabing okasyon dahilan para magkaroon ng mahabang trapiko sa National road.

Nabatid na ilang artista rin sa bansa ang nakisaya sa Ati-Atihan ng Ibajay na kinabibilangan nina Arjo Atayde at Karyle Marquez upang aliwin ang mga bisita sa kanilang isinagawang performance sa plaza.

Napag-alaman na isa ang bayan ng Ibajay sa mga nagdaraos ng Ati-Atihan Festival sa probinsya sa tuwing buwan ng Enero para ipagdiwang ang kapistahan ni Senior Santo Niño.

No comments:

Post a Comment