Pages

Saturday, December 20, 2014

(Update) Kalibo Cable at AKELCO naghain na ng reklamo laban sa may-ari ng barge na sumadsad sa Manoc-manoc cargo site

Posted December 20, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Naghain na ng reklamo laban sa may-ari ng barge na sumadsad sa Manoc-manoc cargo site ang Kalibo Cable at AKELCO.

Nabatid na nagreklamo sa Philippine Coastguard, nagpa-blotter sa Boracay PNP at lumapit ang sa Municipal Auxiliary Police ang mga nasabing utility providers sa isla laban sa DBP Leasing Corporation.

Ang DBP Leasing Corporation ang siyang may-ari ng Cargo Vessel MV “DLC RORO 3” na aksidenteng sumadsad nitong nakaraang Martes.

Base sa kanilang reklamo, nasira ang kanilang submarine optic cable sanhi ng sumadsad na barge kung kaya’t apektado rin ang kanilang operasyon.

Kaugnay nito, nakaranas ng power interruption ang Boracay at putol naman ang kumunikasyon sa telepono sa Boracay at mainland Malay.

Samantala, inalmahan din ng Kalibo Cable at AKELCO ang paglabag sa No Anchoring under Municipal Ordinance No. 54 S. 1992.

Ibig sabihin, hindi umano dapat mag-anchor o dumaong doon ang nasabing barge.

Isang malaking katanungan din ngayon sa mga taga cargo site kung bakit ito pinahintulutang makalayag gayong masama ang panahon noon gabing nangyari ang insidente.

No comments:

Post a Comment