Pages

Tuesday, December 16, 2014

Unang araw ng simbang gabi sa Boracay, dinagsa

Posted December 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dinagsa ng mga residente at mga manggagawang Katoliko ang unang simbang gabi sa isla ng Boracay na nagsimula kaninang alas-kwatro ng madaling araw.

Katunayan puno ng mga tao ang loob ng Boracay Holy Rosary Parish Church hanggang sa labas kung saan makikitang nagdala nalang ang iba ng mauupuan.

Sa siyam na araw na simbang gabi na magtatapos naman sa Desyembre 24 ng madaling araw, inaasahanang dadami pa ang mga magsisimba.

Pinangunahan naman ni Father Nonoy Crisostomo ang misa sa unang araw ng simbang gabi o “Misa De Gallo”.

Ayon kay Father Nonoy, natutuwa ito dahil sa dami ng mga nagsipagsimba kung saan napuno maging ang compound ng simbahan.

Magkaganon paman, sinabi nito na sana hindi lamang ngayong araw kundi hanggang sa mismong araw ng kapaskuhan ang ganon karaming mga tao.

Todo bantay naman ang mga kapulisan at municipal auxiliary police sa trapiko matapos ang misa dahil sa mga nagsipagsimba.

Ginaganap ang taunang simbang gabi o “Misa De Gallo” sa buong sanlibutan bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesukristo.

No comments:

Post a Comment