Pages

Tuesday, December 23, 2014

SB Malay, Time-out muna sa SB Session ngayong araw

Posted December 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Time out muna sa pagtalakay ng mga maiinit na usapin sa isla ng Boracay at bayan ng Malay ang Sangguniang Bayan (SB) Malay ngayong araw.

Ayon kay SB Secretary Concordia Alcantara, nitong nakalipas na Martes na umano ang kanilang huling session para sa taong ito para bigyang daan ang pagdiriwang ng araw ng kapaskuhan at bagong taon.

Aniya, ngayong Miyerkules umano ay wala nang pasok ang Local Government Unit ng Malay at muli silang magbabalik sa Enero 5 ng 2015.

Inaasahan namang mainit-init na bagong taon ang sasalubong sa mga local officials ng Malay dahil sa pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival sa Boracay kasama na ang summer season at ang gaganaping Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015 sa isla.

Kaugnay nito marami pang mga usapin at concern ang nakabinbin sa SB Malay bago magtapos ang huling session para ngayong 2014 nitong nakaraang araw ng Martes.

Napag-alaman na ilan dito ay ang pondo ng Malay para sa taong 2015, construction ng Boracay Hospital kasama na ang trust fund ng MDRRM na siyang gagamitin sa pagpapaayos ng sea ambulance at drainage system sa Boracay.

No comments:

Post a Comment