Pages

Friday, December 12, 2014

Problema sa mga badjao sa Boracay, patuloy na inaaksyunan ng LGU Malay

Posted December 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patuloy ngayong inaaksyunan ng LGU Malay ang problema tungkol sa mga katutubong Badjao sa isla ng Boracay.

Kaugnay ito sa reklamo ng publiko sa isla sa mga nasabing katutubo na makukulit at nangbabanta pa umano kapag namamalimos.

Subalit, nahihirapan at maingat ngayon ang ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan ng Malay tungkol dito, dahil na rin sa mga batas na nagpo-protekta sa mga katutubong sangkot sa ganitong gawain.

Ayon kay Boracay Island Chief Operations Officer Glenn SacapaƱo, nitong nakaraang araw lang ay mahigit 20 mga katutubong Badjao ang inihatid sa mainland mula sa isla.

Ayon pa kay SacapaƱo, hindi lang Badjao ang kanilang minomonitor sa ngayon, kundi pati na ang mga batang hamog na namamalimos sa isla.

Malaki umano kasi ang nagiging epekto nito sa mga turistang bumibisita dito lalo na ngayong papalapit ang pasko at bagong taon.

Samantala, muli rin umanong pag-uusapan ang nasabing problema kasama ang Commission on Human Rights at National Commission for Indigenous People (NCIP), Department Social Welfare Development (DSWD) at iba pang sektor na makakatulong sa pagbibigay solusyon sa nasabing problema.

Nabatid na nagtutulungan na rin ngayon ang LGU Malay, DSWD at Philippine National Police (PNP), upang maisaayos ang buhay ng mga katutubong grupo.

No comments:

Post a Comment