Pages

Friday, December 19, 2014

Seguridad para sa muling pagbisita ng MS Costa Victoria sa Boracay paiigtingin

Posted December 19, 2014
Ni Jay M. Arante, YES FM Boracay
               
Paiigtingin umano ang seguridad para sa muling pagbisita sa Boracay ng MS Costa Victoria darating na Enero 12, 2015.

Ito ang napagkasunduan sa ginanap na pagpupulong kahapon ng mga taga Provincial Government ng Aklan, LGU Malay, Philippine National Police, Philippine Coastguard, Department of Tourism, Maritime Police, at iba pang ahensya.

Nabatid na bago ito dumaong sa isla ng Boracay ay dadaan muna ito ng Puerto Princesa, Palawan mula Maynila para sa ilang araw na tour sa Pilipinas.

Inaaasahanan namang papasyalan ng mga sakay nito ang magagandang tanawin sa isla ng Boracay katulad ng Mt. Luho, Puka Beach, D’Mall at Ati-Village habang ang iba ay susubukan naman ang ilang water activity at island hopping sa isla.

Ang MS Costa Victoria ay kilala bilang isa sa mga eleganteng barko na dumaong dito sa Boracay dahil sa angkin nitong ganda at mga pasilidad sa loob.

Sakay nito ang 2, 394 na pasahero kung saan karamihan nito ay mga European at isang daang Chinese passengers habang 800 naman ang mga crew at 20 porsyento nito ay mga pinoy.

No comments:

Post a Comment