Pages

Tuesday, December 16, 2014

Pagmamahal sa mahihirap, mensahe ng HRP Boracay ngayong Kapaskuhan

Posted December 16, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Pagmamahal sa mahihirap.

Ito ang naging mensahe ng HRP o Holy Rosary Parish Boracay ngayong Kapaskuhan kasabay ng unang araw ng Simbang Gabi kanina.

Ayon kay HRP Boracay Team Mediator Father ‘Nonoy’ Crisostomo, dapat maunawaan ang diwa ng Kapaskuhan at ang diwa ng pagmamahal ng Panginoong Hesu Kristo lalo na sa mga mahihirap.

Madalas umano kasing hindi napapansin at napapabayaan ang mga taong mahihirap at nangangailangan.

Ayon pa kay Crisostomo, dapat ding ipakita bilang mga Kristiyanong nakiisa sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus ang pagiging instrumento ng pagmamahal upang patuloy itong maramdaman ng mga tao.

Samantala, ikinatuwa naman ni Father Nonoy ang pagdagsa ng mga nagsipagsimba kaninang madaling araw.

Kapansin-pansin na marami sa mga church goers ang nagdala ng sariling maupuan lamang makadalo sa Simbang Gabi.

Ginaganap ang Simbang Gabi sa loob ng siyam na araw bago ang ika-25 ng Disyembre.

No comments:

Post a Comment