Pages

Wednesday, December 03, 2014

Pagdami ng mga motosiklo sa Boracay, isinisi sa kawalan ng moratorium

Posted December 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
               
Ang hindi paglabas ng moratorium ng LGU Malay ang siyang tinitingnang dahilan ngayon ng Transportation Office sa pagdami ng mga motorsiklo sa Boracay.

Ayon kay Malay Transportation Regulation Senior Officer Cesar Oczon Jr., umabot na sa 2, 681 ang kanilang naitalang motorsiko sa Boracay kung saan hindi pa umano kabilang dito ang mga walang permit na nag-ooperate sa isla.

Aniya, maging sila ay nababahala na rin sa pagtaas ng bilang nito dahil sa sobrang sikip na ang isla pagdating sa mga sasakyan.

Bagamat nag-aantay lang sila ng utos mula sa mga opisyales ng Malay nagpapatuloy parin ngayon ang kanilang pagtanggap ng mga kumukuha ng permit para maitawid ang kanilang motorsiklo sa Boracay.

Sinabi pa ni Oczon na bago dalhin sa isla ang nasabing sasakyan ay marami pa umanong mga kailangang proseso ang dapat sundin ng operator kung kayat hindi din sila basta-bastang nagbibigay permit para dito.

Samantala, mahigit apat napung mga motorcycle unit ang itinawid ng transportation office mula sa Boracay kamakailan matapos itong makumpiska dahil sa pagkakasangkot sa ibat-ibang violation.

No comments:

Post a Comment