Pages

Tuesday, December 23, 2014

Pag-fluctuate ng suplay ng kuryente sa Boracay, naranasan dahil sa pumutok na fuse

Posted December 23, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nakaranas ng pag-fluctuate ng suplay ng kuryente sa Boracay kahapon.

Ayon kay Assistant General Manager for AKELCO Engineering Engr. Joel Martinez, may pumutok umanong fuse dahilan upang bumukas ang kanilang buong feeder 10.

Subali’t kaagad namang bumalik sa normal ang suplay ng kuryente matapos itong ayusin ng kanilang engineering department.

Samantala, magugunitang naapektuhan din ang operasyon ng AKELCO nang aksidenteng masagi ng sumadsad na barge ng DBP Leasing Corporation ang submarine optic cable ng PANTELCO o Panay Telephone Company nitong Martes ng gabi.

Kaugnay nito, pormal na ring nagreklamo ang mga nasabing utility provider sa isla sa pamunuan ng barge, sa Municipal Auxiliary Police Boracay at Philippine Coastguard.

No comments:

Post a Comment