Pages

Tuesday, December 16, 2014

Mutya ng Kalibo Ati-Atihan Festival 2015, puspusan na ang paghahanda

Posted December 16, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isang buwan nalang at rarampa na ang mga kandidata sa “Mutya it Kalibo Ati-Atihan Festival 2015” sa probinsya ng Aklan.

Kaya naman, ngayon pa lamang ay masasabing mahigpit na umano ang kompetisyon, kung saan  puspusan na rin ang mga ito sa ngayon sa kanilang pagsasanay.

Nabatid sa Kalibo Sto. NiƱo Ati-Atihan Foundation, Inc. (KASAFI) na sinala ang 16 na kalahok mula sa 35 na mga sumali para sa korona ng nasabing patimpalak.

Pinagbasehan umano dito ang criteria na dapat Filipino citizen, 15 to 24 years old at may taas na 5’4 at Aklanon ang mga magulang.

Ipinagmalaki din ng KASAFI na ang ‘Mutya it Kalibo Ati-Atihan” ay isa na ngayon sa mga maituturing na prestihiyosong beauty event sa Western Visayas.

Samantala, ang mananalo naman umano sa nasabing aktibidad ay makakatanggap ng hindi lamang cash prizes kundi mga hindi birong gantimpala.

Nabatid na ang 16 na mga kandidata ay nakatakdang rumampa sa January 9, 2015 sa Gov. Augusto B. Legaspi Sports and Cultural Center sa Kalibo, Aklan.

No comments:

Post a Comment