Pages

Thursday, December 25, 2014

MAP, todo-bantay na sa daloy ng trapiko sa Boracay

Posted December 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Todo-bantay na ngayon sa daloy ng trapiko ang MAP o Municipal Auxiliary Police sa isla ng Boracay.

Ayon kay Municipal Auxiliary Deputy Chief Rommel Salsona, mas lalo pa umano nila itong hihigpitan ngayong dagsa na ang mga turista sa isla dahil sa pasko at Bagong Taon.

Anya, isa sa mga ginagawa nila ngayon ang mahigpit na pag-monitor sa mga sasakyang dumadaan sa kalsada at pagpapatupad ng batas trapiko.

Sinabi din nito na kasama ang BTAC ay hindi sila mag-aatubiling hulihin ang sinumang lalabag sa mga ipinapatupad na ordinansa sa isla gayundin ang mga batas ng national government.

Samantala, payo naman nito sa mga motorista na ibayuhing mag-ingat at sundin ang mga batas trapiko, gaya ng pagkakaroon ng kaukulang permit at pagsusuot naman ng helmet sa mga mahilig sumakay sa motor.

No comments:

Post a Comment