Pages

Monday, December 08, 2014

Mahigit 400 pamilya sa Boracay, lumikas sa mga evacuation center dahil kay Ruby

Posted December 8, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nasa-evacuation center parin ngayon ang ilang mga residente sa Boracay na nauna ng lumikas nitong araw ng Biyernes dahil sa bagyong Ruby.

Base sa tala ng Boracay Command Center umabot sa apat na raan at dalawampu ang mga pamilyang nagsilikas sa mga inilaang mga evacuation center ng LGU Malay sa tatlong Brgy. sa Boracay.

Isa si Emily Bayhon ng brgy. Yapak sa mga lumikas kasama ang kanyang pitong anak at asawa dahil sa pangamba at takot ng pananalasa ni Ruby.

 Ayon kay Bayhon maayos naman ang kanilang kalagayan sa Eco Village na isa sa ginawang evacuation center sa Yapak kung saan nabibigyan naman sila ng sapat na pagkain ng kanilang Brgy.

Puno rin ng mga nagsilikas na risedente ang Alta Vista Function Hall sa Yapak, Bloomfield academy sa brgy. Balabag, at Manoc-manoc Elementary School at Boracay National High School Extension.

Ilan ding tahanan ang nagbukas ng kanilang pintuan sa mga lumikas na residente sa Boracay upang makatulong sa mga nangangailangan ng masisilungan.

Kaugnay nito nakaantabay naman ang Municipal Health Office kasama ang Philippine Red Cross, Philippine National Police, Department of Social Welfare and Development at ang LGU Malay sa mga lumikas na residente na ngayon ay nasa mga evacuation center parin dahil sa nakataas pa ang storm signal number 2 sa lalawigan ng Aklan.

No comments:

Post a Comment