Pages

Thursday, December 04, 2014

LGU Malay, nagpasiguro ng extension para sa E-Trike implementation sa Boracay

Posted December 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Matapos marinig ang mga hinaing ng ilang mga operator at miyembro ng Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative (BLTMC).

Nagpasiguro ngayon ang lokal na pamahalaan ng Malay na magkakaroon ng extension sa E-Trike implementation sa isla.

Ayon kay Vice Mayor Wilbec Gelito, ito’y naka-depende pa rin sa magiging rason ng isang operator kung bibigyan sya ng extension.

Sa kabila nito, aminado naman ang bise alkalde na mayroong ilang problema sa E-Trike implementation sa isla, kung kaya’t isinagawa nila kanina ang nasabing pagpupulong sa BRTF.

Anya, upang makakuha ng extension kailangan lamang ng operator na mag-draft ng isang sulat na syang ibibigay sa BLTMPC at ang BLTMPC naman ang magsusumite nito sa LGU Malay para sa pag-aaral.

Samantala, kabilang naman sa iba pang ipinaabot kanina ng mga operator ay ang problema sa limitadong charging stations at mga piyesa sakaling masira ang kanilang E-Trike.

Mataas din umano ang arawan na bayaran sa manufacturer nito, kung saan apektado rin ang kanilang kabuhayan.

No comments:

Post a Comment