Pages

Monday, December 08, 2014

LGU Malay, magsasagawa ng post-evaluation mamayang hapon tungkol sa bagyong Ruby

Posted December 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nakatakdang magsagawa mamayang hapon ng post-evaluation ang lokal na pamahalaan ng Malay hinggil sa bagyong Ruby.

Kaugnay nito nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan dahil sa walang naitalang grabeng pinsala sa isla ng Boracay nang dumaan ang nasabing bagyo.

Samantala, nabatid na ika- 3 ng Disyembre, kasama ang Malay PNP, Philippine Coastguard, at iba pa, ay nagsimula nang maghanda ng MDRRMC maging ang mga force multipliers sa isla upang magiging plantsado ang mga posibleng rescue operations.

Magugunitang nagsagawa rin ng apat na araw na Contingency Planning Workshop ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDDRMC) Malay sa Boracay nitong nakaraang buwan ng Oktubre, upang palakasin ang sistema ng mas maagang paghahanda sa bayan ng Malay lalung-lalo na sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment