Pages

Monday, December 22, 2014

Kahalagahan ng mangrove sa Boracay, sentro ng Fun Run para sa kalikasan

Posted December 22, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Naging sentro ng Fun Run para sa kalikasan ang kahalagahan ng mangrove sa Boracay.

Ayon kay BICOO o Boracay Island Chief Operations Officer Glenn SacapaƱo, marami parin ang hindi nakakaalam tungkol sa kahalagahan ng bakhawan o mangrove at kung ano ang proteksyong naidudulot nito sa isla laban sa bagyo.

Kaya naman sa ginanap na fun run, cleanup at mangrove tree planting sa Sitio Lugutan Manoc-manoc Boracay kaninang umaga, sinabi na nito kailangang alagaan ang mga mangrove doon.

Samantala, iginiit din ng administrador na dapat ayusin at igalang ang kalikasan upang hindi masira lalo pa’t malaki ang biyayang naibigay nito para sa Boracay.

Kaugnay parin nito, mahigit-kumulang 200 ang lumahok sa nasabing aktibidad na itinuturing namang pamasko para sa kalikasan ng LGU Malay, mga stakeholders at mga ahensyang nagmamalasakit sa isla.

No comments:

Post a Comment