Pages

Monday, December 15, 2014

Giant Christmas tree sa bayan ng Kalibo, iilawan na ngayong gabi

Posted December 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ngayong gabi na ang pinakahihintay ng mga residente sa bayan ng Kalibo at ng mga kalapit na lugar sa Aklan para sa pagpapailaw ng giant Christmas tree sa Pastrana Park.

Pangungunahan mismo ni Mayor Willian Lachica at ng mga local officials ng Kalibo ang ceremonial switch-on ng Christmas lights at fireworks display mamayang alas-6 ng gabi.

Bawat sulok naman ng nasabing Plaza at mga puno ay pupunuin ng mga naggagandahan at nagkikislapang Christmas lights na tinawag na “Iwag it Kalibonhon.”

Napag-alaman na ang construction ng gigantic Christmas tree ay sinuportahan ng mga Aklanon mula sa Juneau, Alaska na isang nativity scene kung saan ito ang pinakamalaki kumpara sa mga nagdaang taon.

Nabatid na ito ay taon-taong tradisyon ng mga Kalibonhon bilang paggunita sa kapaskuhan at kapanganakan ni Hesukristo at bilang pagsisimula ng “Misa De Gallo” o simbang gabi bukas ng madaling araw.

No comments:

Post a Comment