Pages

Friday, December 05, 2014

CCTV Cameras, ilalagay sa mga pangunahing lugar sa Boracay para sa APEC 2015

Posted December 5, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dahil sa nalalapit na ang isasagawang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Boracay puspusan na rin ngayon ang paghahanda ng LGU Malay.

Katunayan sa ginanap na Sangguniang Bayan (SB) Session ng Malay nitong Martes nakapaloob sa committee report ang Annual Budget ng LGU Malay para sa Calendar Year 2015 na may kabuuang halaga na P375,000,000,00.

Sa naturang budget isa sa paglalaanan nito ay ang APEC Summit kung saan mahigit sa anim na milyong piso ang inaasahang pondo na ilalaan para dito katulad ng pagsasaayos at pagpapaganda ng isla at ang paglagay ng Closed-circuit television (CCTV) cameras.

Nabatid na mahigit dalawang libong deligado mula sa ibat-ibang bansa ang dadalo sa malaking ministerial meeting na gaganapin sa Boracay ngayong Mayo 2015.

Samantala, kabilang din sa pinagtutuunan ng pansin ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ay ang Boracay Hospital na kasalukuyan parin ngayong nasa under renovation.

No comments:

Post a Comment