Pages

Wednesday, December 03, 2014

Boracay Action Group, nagpulong na bilang paghahanda sa pagpasok ng Bagyong Ruby

Posted December 3, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Target-Zero Casualty.

Ito ang naging buod ng pagpupulong ng Boracay Action Group bilang paghahanda sa inaasahang pagpasok ng Bagyong Ruby o Typhoon ‘Hagupit’sa PAR o Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.

Sa kakatapos na pagpupulong sa Balabag Action Center, napag-usapan ang ilang mga istratihiyang ginawa ng BAG noong humagupit ang Bagyong Yolanda sa bansa.

Ilan na nga rito ang mga dapat gawin sakaling kailangan ang evacuation, at ang mga evacuation areas sa Boracay.

Maliban dito, napag-usapan din ang magiging trabaho ng bawat miyembro ng BAG, at ang magiging sistema ng information dissemination sa publiko.

Maliban sa pagpupulong kanina, isa pang pagpupulong bukas ang gagawin ng mga taga MDRRMC o Municipal Disaster Risk Reduction Council bukas ng umaga para sa ibayong paghahanda ng LGU Malay.

Samantala, base sa report ng PAG-ASA, inaasahang kikilos palapit sa Eastern Visayas ang bagyo sa araw ng Biyernes.

No comments:

Post a Comment