Pages

Monday, November 17, 2014

Vegetation Area ng Boracay, sinuyod dahil sa mga balot vendors

Posted November 17, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

The New Ordinance Dealing with RPS Will Pass on the 31th of July.Tila pursigido ang LGU Malay na linisin ang Boracay sa mga tinaguriang pasaway na vendors sa isla.

Kaya naman halos kaliwa’t-kanang pakikipaghabulan sa mga balot vendors ang ginawa ng mga MAP o Municipal Auxiliary Police nitong mga nakaraang gabi dahil sa pagpapatupad ng Municipal Ordinance Number 181 Series of 2002.

Base sa ordinansa, bawal ang magtinda sa vegetation area lalo na sa beach ng isla at may karampatang penalidad para sa sinumang mahuhuli nito.

Samantala, ayon naman kay MAP Deputy Chief Rodito Absalon, tinatayang nasa 20 mga panindang balot at iba pa ang kanilang nakumpiska nang kanilang sinuyod ang long beach nitong nakaraang Biyernes.

Nilinaw din nito na talagang kailangang ipatupad ang nasabing ordinansa sa isla kahit wala pamang APEC Meeting na gaganapin dito.

Napag-alaman namang umalma ang karamihan sa mga balot vendors sa pagkakakumpiska ng kanilang paninda na siya lamang umano nilang pangkabuhayan.

Maliban pa sa mga balot vendors, nabatid na ilan pa sa mga nagtitinda sa vegetation area ng Boracay ang tinikitan dahil din sa nasabing paglabag.

No comments:

Post a Comment