Pages

Monday, November 10, 2014

Unang anibersaryo ng Super Typhoon Yolanda, sinalubong ng mga raliyesta sa Aklan

Posted November 10, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo Credit by aklanforum.blogspot.com
Sinalubong ng mga raliyesta sa probinsya ng Aklan nitong Sabado ang unang taong anibersaryo ng Super Typhoon Yolanda.

Pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)-Aklan at Rise-up Aklan ang daan-daang mga raliyestang Aklanon na apektado ni Yolanda sa Pastrana Park para isagawa ang protesta na may temang “Paniningil at Pagbangon”.

Nguni’t bago ito, nagkaroon muna sila ng simbolikong pagsisindi ng kandila sa kahabaan ng Kalibo-Numancia Bridge.

Nais umano ng mga ito na ipaabot sa Administrasyong Aquino ang kanilang panawagan tungkol sa ipinangako sa kanilang shelter assistance mula sa national government na nagkakahalaga ng P30,000 sa totally damaged at P10,000 sa partially damaged na hanggang ngayon ay hindi parin umano nila natatanggap.

No comments:

Post a Comment