Pages

Wednesday, November 12, 2014

Requirements ng foreign tourist guides sa Boracay binawasan

Posted November 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kukunti nalang ngayon ang requirements ng foreign tourist guides sa Boracay makaraang bawasan ito ng Sangguniang Bayan ng Malay.

Ayon kay SB Member at Vice Chairman ng Committee on Laws Leal Gelito, binawasan umano nila ang requirements ng Foreign Tourist guide at Coordinators dahil sa ang ilan dito ay hindi naman masyadong kailangan at may kunting bigat sa kanila.

Bagamat mananatili naman ang Brgy. Clearance, PESO I.D at iba pang working permit na nagpapatunay rin sa mga ito na wala silang nilabag na batas.

Nilinaw naman Gelito na ang pagtanggal ng ibang requirements ay hindi nangangahulugan na hindi nila hinihigpitan ang pagpasok ng mga tourist guides sa Boracay.

Samantala, patuloy ang ginagawang paghihigpit ng Lokal na Pamahalaan ng Malay tungkol sa mga pumapasok na tourist guides at coordinators sa isla ng Boracay para maiwasan ang ang mga ilegal tourguides na gumagawa ng kanilang operasyon.

No comments:

Post a Comment