Pages

Saturday, November 29, 2014

Populasyon sa bayan ng Malay mabilis lumago ayon sa NSO Aklan

Posted November 29, 2014
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Mabilis umano ngayong lumago ang populasyon ng bayan ng Malay base sa tala ng National Statistical Office (NSO) Aklan.

Bagamat ang bayan ng Kalibo ang may pinakamataas na populasyon sa probinsya, ang Malay naman ang may pinakamabilis na lumago sa population size na may 6.5 percent growth rate.

Ayon kay NSO-Aklan provincial statistic officer Blas Solidum, ang probinsya umano ay mayroong 17 munisipyo na binubuo ng 327 na brgy. kung saan ang bayan ng Malay ay halos apat na beses ang rate ng antas sa provincial level at limang bese naman sa regional na may 1.35 percent pagdating sa populasyon.

Sinabi pa ni Solidum ang pagtaas ng population ng Malay ay maaaring dahil umano sa paglago ng tourism industry sa Brgy. Caticlan at ng isla ng Boracay.

Samantala, sumunod sa Malay ay ang kalapit na bayan na Nabas na may 2.18 percent, sinundan naman ito ng New Washington sa eastern side ng Aklan na may 2. 17 percent population growth rate.

Nabatid na ang probinsya ng Aklan ngayon ay mayroong 537, 725 population, base sa naitala, noong Censu of Population.

No comments:

Post a Comment