Pages

Thursday, November 27, 2014

Polusyon sa Sooc River sa bayan ng Kalibo, mainit na pinag-usapan sa SP Aklan

Posted November 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mainit na pinag-usapan sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang liham na nagsusumbong hinggil sa polusyon di umano sa Sooc River sa bayan ng Kalibo.

Sa ginanap na 41st SP Regular Session kaninang umaga, tinalakay ang liham mula kay Kalibo Save The Mangroves Association (KASAMA) Chairman Atty. Allen Quimpo.

Ayon kay Atty. Quimpo, ang nasabing liham ay humihiling sa konseho ng SP Aklan na ipatupad na ang “closure order” ng DENR tungkol sa open dump site na makikita sa Bakhaw Sur Kalibo.

Samantala, ipinaliwanag rin nito na nakasaad sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act ang pagbabawal na mag-operate pa ang isang dumpsite kapag nakakapekto na sa kalusugan ng mamamayan.

Maliban dito, napatunayan na rin umano sa isinagawang pagsusuri ng DENR na highly pollutant na ang nasabing dumpsite, kung saan nakitaan na rin ito ng coliform bacteria.

Nabatid na matagal na ring naging isyu sa probinsya ang mga basura sa nasabing dumpsite na di umano’y nagiging sanhi ng kontaminadong tubig sa Sooc River, at nagdudulot na rin ng iba’t-ibang sakit  sa mga naninirahan malapit sa lugar.

Kaugnay, nito nakatakda namang ipatawag sa isang Committee Hearing ng mataas na konseho ang Aklan Environment and Natural Resources Office (AKENRO) at Department of Environment and Natural Resources (DENR)  upang pag-usapan ang nasabing isyu.

No comments:

Post a Comment