Pages

Friday, November 28, 2014

Photographers Association, nagbigay reaksyon kaugnay sa ordinansa tungkol sa photoshoot sa Boracay

Posted November 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bagamat hindi natuloy ang committee hearing kaugnay sa ordinansa ng photoshoot sa Boracay kahapon ng hapon nagbigay naman ng reaksyon ang photographers association sa isla.
               
Ayon sa prisedente ng Boracay Photographer Association na si Ernesto Cruz, ang ordinansa umanong inilabas ng LGU Malay na 168 ay proteksyon lamang sa mga katulad nilang photographers at walang inaapakan.

Aniya, may hangganan din ito dependi sa mga nagsasagawa ng photoshoot sa isla katulad ng pre-nap at iba pang photoshoot activities.

Sinabi pa ni Cruz na matagal na umano ang ordinansang ito na kanilang namang sinuportahan kung kayat nagulat na lamang sila sa mga negatibong kuminto ng netizens sa social media tungkol dito.

Samantala, inaasahang magkakaroon muli ng committee hearing tungkol sa nasabing ordinansa matapos itong maudlot kahapon dala ng sama ng panahon sa isla ng Boracay.

Matatandaang naging mainit ang usaping ito sa internet dahil sa lumabas na ordinansa na nagbabawal kumuha ng litrato o photoshoot sa Boracay na may commercial value at walang kaukulang permit mula sa LGU Malay.

Nabatid na kung sino man ang mahuling lumabag sa ordinance 168 ay maaaring maharap sa penalidad o pagkumpiska ng kanilang ginagamit na camera.

2 comments:

  1. Ang kagandahan ng isla ay para sa lahat. Huwag ipagdamot at angkinin para sa pag abanse ng interes ng iilang grupo lamang. Wag naman po sanang maging ganid at sakim sa kwarta.

    ReplyDelete