Pages

Tuesday, November 11, 2014

Pagpapatayo ng City Mall sa Boracay, umani ng ibat-ibang reaksyon sa Social Media

Posted November 11, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Patuloy na umaani ng ibat-ibang reaksyon sa Social Media ang umano’y planong pagpapatayo ng City Mall sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos pumutok ang balitang balak itong itayo ng Double Dragon Company sa isa sa  matataas na bahagi ng lugar sa isla ng Boracay.

Bagamat wala pang naging reaksyon mula sa Local Government Unit ng Malay tungkol dito, tila marami na rin ngayon ang nagsasabing tuloy na nga ito.

Nabatid na dalawang City Mall ang itatayo sa probinsya ng Aklan kung saan ang isa dito ay sa bayan ng Kalibo na ngayon ay malapit nang simulan.

Napag-alaman na marami ang hindi pumapabor dahil tila masyado na umanong over crowded ang isla ng Boracay para magpatayo pa ng nasabing Mall.

Para naman sa ilan mas mainam umanong itayo nalang ito sa Brgy. Caticlan sa bayan ng Malay para ma-protektahan ang natitirang forest land area ng Boracay.

Ngunit ayon sa pamunuan ng Double Dragon Company ang inaasahang itatayong City Mall sa Boracay ay parang isa lamang umanong community mall katulad ng supermarket na hindi gaanong malaki.

No comments:

Post a Comment