Pages

Tuesday, November 25, 2014

Pagkalat ng basura sa beach ng Barangay Yapak, isinisi sa mga construction workers

Posted November 25, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isinisi ngayon sa mga construction workers ang pagkalat ng basura sa beach ng Barangay Yapak.

Ayon sa isang opisyal ng nasabing barangay, pasaway at sakit ulo ang ginagawa ng mga construction workers lalo na tuwing araw ng Sabado at Linggo.

Maliban kasi sa nakahubad kung minsan habang umiinom ng alak sa dalampasigan, nagbabasag pa umano ang mga ito ng bote doon at iniiwan ang kanilang basura.

Kaya naman nagpasaklolo na rin umano sa Municipal Auxiliary Police ang barangay upang mabantayan ang beach area, dahil sa pambabastos kung minsan ng mga nag-iinuman doon sa mga naliligong turista.

Samantala, nabatid na tatlo hanggang apat na beach cleaners lamang pala ang nagmimintina at naglilinis sa Yapak beach at iilan lang din ang mga tanod na nakaduty sa barangay.

Sa ginawa namang ocular inspection ng himpilang ito sa lugar nitong umaga, nabatid na marami paring turista ang nagugustuhan ang lugar dahil tahimik ito kung ikukumpara sa beach area ng Central Boracay.

No comments:

Post a Comment