Pages

Monday, November 24, 2014

Paghahanda para sa super peak season sa Boracay, pinopormahan na ng BTAC

Posted November 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinopormahan na ngayon ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang ang paghahanda para sa pagpasok ng super peak season sa isla ng Boracay.

Ayon kay (BTAC) Chief PSInspector Mark Evan Salvo, kinansila umano ng Regional Office ang leave ng mga pulis sa Boracay simula ngayong December 15 hanggang sa January 8 2015 para paigtingin ang seguridad sa isla ng Boracay.

Nabatid na 24 oras na magpapatrolya ang BTAC sa mga lugar sa Boracay kung saan may kadalasang may inire-report na insidente ng nakawan at iba pang kahina-hinalang pangyayari.

Sinabi pa ni Salvo na ang mga bike ng police personnel ay siyang gagamitin para magpatrolya sa ilang liblib na bahagi ng lugar sa isla at upang mapabilis ang pagrespondi sa anumang mangyaring insidente.

Dagdag pa nito na magiging katuwang nila ang Municipal Auxiliary Police (MAP) para sa pagpapatupad ng mga ordinansa sa Boracay.

Samantala, inaasahang libo-libong turista ang dagdagsa sa isla ng Boracay ngayong Desyembre para dito ipagdiwang ang pasko at ang bagong taon.

No comments:

Post a Comment