Pages

Thursday, November 20, 2014

Paggamit ng fireworks display sa Boracay dagdag atraksyon na sa mga turista

Posted November 20, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi lang ang magandang beach area ng Boracay at ang fire dancer ang inaabangan ng mga turista tuwing pagsapit ng gabi kung hindi pati ang mga naggagandahang fireworks display.

Kadalasan ay ginagamit ang fireworks display sa beach wedding na talaga namang nakakaagaw atensyon sa mga dumaraang turista sa beach front area dahil sa ganda nito.

Bagamat hindi basta-basta ang pagkakaroon nito sa Boracay dahil sa kailangan pa ito ng permit mula sa LGU Malay at kailangang masunod ang mga ordinansa tungkol dito.

Nabatid na maging ang Department of Tourism (DOT) Boracay ay masaya sa kaliwat kanang fireworks display attraction sa mga turista lalo na’t kung wala silang nilalabag na batas.

Sa kabilang banda mahigpit padin ang ordinansa tungkol sa paggamit at pagbinta ng firecrackers, fireworks at iba pang pyrotechnic device sa bayan ng Malay lalo na sa isla ng Boracay kung saan may itinakdang penalidad sa hindi susunod ng tama sa paggamit nito.

Samantala, ang pagpapaputok ng firecrackers sa puting buhangin ng Boracay ay higit na ipinagbabawal kung saan kailangan lamang itong gamitin sa karagatan na may layong 200 meters mula sa white beach gamit ang kahit anong floating device.

No comments:

Post a Comment