Pages

Saturday, November 15, 2014

Ordinansa para sa Paddleboards, inihahanda na

Posted November 15, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dahil sa patuloy na pagdami ng paddleboard activities sa isla ng Boracay.

Inihahanda na ngayon ng Sangguniang Bayan (SB) Malay ang isang ordinansang magre-regulate sa ganitong uri ng water sport activity.

Nitong ika-7 ng Nobyembre, inilatag ang draft ordinance para sa paddleboard na ini-akda ni Chairman of Committee on Tourism SB Member Jupiter Aelred Gallenero sa presenteng Boracay Stand-Up Paddleboard Association.

Kaugnay nito, umani naman ng ilang komento galing sa asosasyon ang nasabing panukala gaya ng pagpapataas ng limitasyon ng mga paddleboards sa bawat station sa isla at pagpapalawak ng kanilang area of operation.

Samantala, napagkasunduan na isusumite nila ang kanilang mga komento at suhestiyon sa SB Malay para sa kaukulang pag-amyenda rito.

Pinagpaplanuhan naman na ang Boracay Stand-Up Paddleboard Association ay maging bahagi ng Boracay Water Sports Association Incorporated (BWAI).

1 comment:

  1. Hahahaha... lahat na lang pinakialaman. Pero hindi pinag iisipan ang mga proyektong maghahatid ng may mas pangmatagalang epekto sa pagpapanatili ng kagandahan at proteksyon sa isla ng Boracay. May kikita na naman ng pera dito tulad ng pagreregulate ng ibang activties sa isla. Pweh!

    ReplyDelete