Posted November 6, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Katunayan, gumagala na sa isla ang mga nasabing turista
bago bumalik sa barko mamayang alas 8:00 ng gabi.
Nabatid na sumabak agad ang mga ito sa island hopping at
land tour na naging dahilan upang bahagyang naiba ang sitwasyon ng Cagban Jetty
Port.
Pansamantala kasing nahati sa dalawa ang daungan matapos
ihiwalay ang lugar para sa mga bangkang gagamitin sa island hopping ng mga
turista at ang babaa’t sakayan ng mga bangkang papunta sa Caticlan port.
Mistula namang napag-iwanan ang mga regular na pasahero
sa Cagban matapos bigyang prayoridad ng mga naka schedule na tricycle ang mga
turista ng cruise ship.
Magkaganon paman, masaya ring pinili at inupahan ng ibang
turista ang mga E-Trike o Electric Tricycle para sa kanilang pamamasyal.
Samantala, sinabi ni Caticlan Jetty Port Special
Operation Officer III Jean Pontero na muling bibisita sa Boracay ang MS Super
Star Aquarius ngayong Disyembre.
Nabatid na ikatlong beses nang bumisita sa isla ang
nasabing barko.
No comments:
Post a Comment