Posted November 7, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinabulaanan ng Malay Licensing at Assessment
Department Satellite Office sa Balabag Action Center ang umano’y pagpapatayo ng
dalawang malalaking fast food chain sa isla ng Boracay.
Ayon sa nasabing tanggapan, wala pa silang
natatanggap na anumang aplikasyon mula sa anumang malalaking fast food chain
taliwas sa mga kumakalat na tsismis.
Samantala, sinabi naman ng ahensya na may nabatid
silang isang fast food chain na may balak magpatayo ng isang branch sa Boracay,
subalit hindi pa umano ito kumpirmado.
Inihayag naman ng Malay Licensing at Assessment
Department Satellite Office Boracay na bukas ang kanilang tanggapan sa anumang
aplikasyon hangga’t sumusunod ito sa tamang proseso.
No comments:
Post a Comment