Pages

Monday, November 10, 2014

Isang grupo ng mga turista sa Boracay, natulog sa Boracay Rock

Posted November 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang grupo ng mga turista sa Boracay ang natulog sa Boracay Rock kahapon.

Dahil dito, ilang residente at mga turista ang nagbigay ng kanilang saloobin sa tagpong kanilang nakita sa lugar.

May mga nagsabing triping ng mga ‘turistang puti’ ang pagtulog doon hanggang madaling araw at hindi na bumalik sa tinutuluyang resort o hotel dahil sa kalasingan.

Duda rin ang ilang residenteng napadaan sa grotto kung tulog nga lang ba ang ginawa ng mga ito doon lalo pa’t madilim sa bahagi ng Boracay Rock na tinulugan nila.


Samantala, ilan din ang nagsabing ‘ok’ lang kung makatulog ang mga turista doon, basta’t ligtas ang mga ito sa masasamang elemento katulad ng mga kawatan.

Kaya naman nanawagan ang mga ito sa mga otoridad na bantayan ang lugar lalo pa’t madalas ding may turistang nabibiktima ng pagnanakaw habang naliligo.

Tinatayang lima hanggang anim na mga turistang mga lalaki ang naispatang natutulog na walang damit pang-itaas at naka short o naka-underware lamang sa likurang bahagi ng grotto sa Boracay Rock na kilala din bilang Willy’s Rock.

Kinikilalang land mark at sagrado para sa mga lokal na residente ng isla ang Boracay Rock dahil sa grotto na ipinatayo doon ng Simbahang Katoliko at Boracay Community.

No comments:

Post a Comment