Pages

Tuesday, November 11, 2014

British national, nagreklamo ng Arson sa BTAC

Posted November 11, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inireklamo ng Arson ng isang British national na babae sa BTAC ang isang lalaki sa Boracay matapos na pinagtangkaan umanong sunugin ang establisyemento nito.

Sumbong ng nagrereklamong si Chelsey Hall, 28 anyos nakita di umano ng kanyang care taker ang suspek na kinilala sa blotter na si Reynan Cahilig, 20 anyos na may dalang lighter at pinagtangkaang sunugin ang kanyang establisyemento.

Subalit dahil sa kaagad naman umano itong nakita ay kaagad ding naapula at hindi na lumaki pa ang apoy.

Nakatakda namang mag-usap sa Barangay justice system ang dalawang partido.

No comments:

Post a Comment