Pages

Wednesday, November 26, 2014

Boracay PNP, aminado kaugnay sa naitatalang kaso ng mga naaaksidenteng motorsiklo sa isla

Posted November 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Aminado ngayon ang Boracay PNP kaugnay sa naitatalang kaso ng mga naaaksidenteng motorsiklo sa isla.

Bagama’t tumanggi munang magbigay ng record ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) hinggil sa bilang ng mga naaksidenteng motorsiklo, aminado naman ang mga kapulisan na kadalasan ay hindi maiiwasan ang mga aksidente sa trapiko lalo na’t kapag nakainom ng alak o mabilis magpatakbo ang nagmamaneho.

Nabatid na nitong nakaraang Linggo lamang ay isa na namang naaksidenteng motorsiklo ang naitala sa BTAC.

Marami na rin sa mga nagiging biktima dito ang pinapagamot sa bayan ng Kalibo dahil sa malulubhang sugat na naidudulot ng mga aksidente sa kalsada.

Kung hindi kasi nadudulas o nababangga sa ibang mga sasakyan ay may nababangga naman na naglalakad sa kalsada.

Samantala, patuloy naman sa ngayong tinututukan at isinasaayos ng BTAC ang trapiko sa isla sa pakikipagtulungan ng Municipal Auxiliary Police (MAP).

No comments:

Post a Comment