Posted November 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES
FM Boracay
Photo Credit by aklanforum.blogspot.com |
Kaugnay nito,
idineklara bilang pista opisyal ngayong araw sa probinsya kasama na ang isla ng
Boracay.
Ayon kay Provincial
Administrator Atty. Selwyn Ibarreta, ang Local Holiday na tinatawag na
“Godofredo P. Ramos Day” ay kasunod ng ipinagdiriwang na pag-alala sa kaarawan
ni Godofredo Ramos na syang kauna-unahang Kongresista ng Aklan nang mahiwalay ito
mula sa Capiz.
Ang pag-deklara ng
Local Holiday sa probinsya ay ipinapatupad sa bisa ng Proclamation No. 194 ni
dating Pangulong Gloria Arroyo, para sa pag-alala sa kapanganakan ni Godofredo
Peralta Ramos.
Samantala, nabatid na pangungunahan naman ni Gov. Florencio Miraflores ang tradisyunal na gawain, tulad ng pag-alalay
ng bulaklak sa bronseng monumeto ng “Father of Aklan” sa Godofredo P. Ramos
Park sa harap ng Provincial Capitol.
No comments:
Post a Comment