Pages

Tuesday, October 21, 2014

Traffic congestion sa Boracay maaaring mabawasan dahil sa traffic code

Posted October 21, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Maaaring mabawasan na ang traffic congestion sa Boracay kapag naaprobahan at naipatupad na ang traffic code.

Ito ang sinabi ni Malay Transportation Regulation Senior Officer Cesar Oczon Jr. kaugnay ng plano ng SB na limitahan na ang service vehicle ng mga resort at hotel sa isla.

Base umano kasi sa nakapaloob sa traffic code, magdi-depende sa bilang ng kuwarto ng hotel o resort ang bilang ng unit ng kanilang sasakyan.

Bagama’t naiintindihan umano nila sa transportation office ang nais ng mga resort na magdagdag ng sasakyan para sa kanilang mga bisita, sinabi pa ni Oczon na sakit sa ulo na ang napakaraming sasakyan sa Boracay dahil sa idinudulot nitong mabigat na trapiko.

Sinabi pa ni Oczon na hindi lamang service o sasakyan ng mga resort at hotel ang dapat limitahan kundi pati narin ang mga business establishments na may mga delivery.

Nabatid na isa rin ngayon sa pinagtutuunan ng pansin ng LGU Malay ang traffic sa Boracay bilang paghahanda sa 2015 APEC Hosting ng Boracay.

No comments:

Post a Comment