Pages

Monday, October 13, 2014

Shabu na nakasukbit sa hasang ng isda, nakumpiska sa isang lalaki sa Kalibo BJMP

Posted October 13, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Arestado ang isang estudyante matapos makuhaan ng ilegal na droga sa dala nitong isda para sa isang inmate ng BJMP sa Kalibo kahapon ng tanghali.

Kinilala ang naarestong si Duram Ambay Surilla,19-anyos, residente ng Barangay Centro Weste Poblacion, Libertad, Antique at nag-aaral sa Aklan Polytechnic College.

Nabatid na dakong alas-12 kahapon ng tanghali nang ihatid umano ni Surilla ang isda sa inmate na kinilalang si Jelson Lopez ng Silay City, Negros Occidental.

Ngunit sa ginawang inspeksyon ng mga Jail Guard sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dito na-diskobrehan na may lamang 7 sachet ng ilegal na droga sa hasang ng isdang galunggong.

Agad namang nagsagawa ng embistigasyon ang mga otorodidad sa sinasabing suspek kung saan mariin naman nitong itinatang ay na hindi niya alam na may kasama palang shabu ang nasabing isda.

Aniya, sumama lang siya sa kanyang ka-boardmate na si Rey Napat sa BJMP kung saan inutusan umano siya nito na ibigay ang plastic bag kay Lopez na may lamang isda at karne ng baboy habang hinayaan lang umano siyang pumasok sa loob.

Samantala, ayon kay Prosecutor 1 Flosemer Chris Gonzales nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs of 2002 dahil sa illegal transport ng droga na tinatayang nagkakahalaga ng P10,500.

No comments:

Post a Comment