Pages

Wednesday, October 01, 2014

Resolusyon para sa pagkilala sa Boracay Action Group inaprobahan na sa SB Malay

Posted October 01, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inaprobahan na sa huli at ikalawag pagbasa ng Sangguniang Bayan ng Malay ang resolusyon bilang pagkilala sa Boracay Action Group (BAG).

Sa ginanap na 29th regular session ng Malay kahapon, dito tinalakay ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre ang nasabing resolusyon.

Ito’y para kilalanin ang nakuhang parangal ng BAG mula sa Philippine National Police (PNP) bilang Best Performing NGO sa isla ng Boracay.

Nabatid na ang BAG ay isang epektibong NGO sa isla dahil sa kanilang ipinapakitang tulong at suporta sa lahat ng programa ng PNP sa Boracay.

Matatandaan na ang Boracay Action Group ay ginawaran bilang outstanding NGO of the Year 2013 na pinarangalan nitong taon.

Samantala, nakakuha din ng award mula sa Police Regional Office 6 ang BAG bilang supportive NGO for the year 2013.

No comments:

Post a Comment