Pages

Tuesday, October 28, 2014

Red Cross volunteer na Duetsch National sa Boracay, patay matapos atakihin sa puso

Posted October 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isa na namang turista at Red Cross Volunteer ang binawan ng buhay sa isla ng Boracay.

Kinilala ang biktimang si Karl-Heinz Rotter o mas kilala sa tawag na Charles Brown, 65 at isang Duetsch National.

Sa blotter report ng Boracay PNP binawian umano ng buhay ang biktima kaninang umaga habang ito ay nasa kanyang inuupahang kwarto sa isang hotel sa Manoc-manoc Boracay.

Nabatid mula sa may-ari ng tinutulayan ng biktima na lumabas umano si Brown sa kanyang kwarto at humingi ng tulong dahil sa masama umano ang kanyang pakiramdam kung saan agad itong bumagsak sa sahig.

Dahil dito nagdesisyon umano silang dalhin sa pinakamalapit na pagamutan sa isla ang biktima ngunit idiniklara naman itong Dead on Arrival (DOA) ng mga doktor.

Napag-alaman na ang ikinamatay umano nito ay dahil sa cardiac arrest.

Sa ngayon pansamantalang dinala sa isang punerarya sa bayan ng Malay ang biktima habang inaasikaso ang pag-uwi ng bangkay nito sa kanilang bansa.

No comments:

Post a Comment