Pages

Monday, October 20, 2014

Presyo ng kandila at bulaklak para sa Undas, imomonitor ng DTI Aklan

Posted October 20, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bukod sa mga bulaklak, prayoridad din ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan na imonitor ang presyo ng mga kandila dalawang linggo bago ang Undas.

Ayon sa DTI Aklan, linggo-linggo silang nagsasagawa ng monitoring para alamin ang galaw ng presyo ng mga bulaklak at kandila.

Hindi namam palulusutin ng DTI ang mga negosyante na posibleng magsamantala ng presyo dahil sa mataas na demand sa naturang mga bilihin tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay.

Siniguro ng nasabing ahensya na mananatili ang kanilang pagmamanman upang siguruhing hindi magiging sobra-sobra ang pagtaas na ipapataw ng mga nagtitinda.

Ayon naman kay DTI Aklan Provincial Director Diosdado P. Cadena Jr., kung kailangan magtaas ng presyo ng mga bilihin ay kailangang ito ay reasonable at may basehan.

Paalala din nito na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga mamimili na may reklamo kaugnay sa presyo ng kandila at bulaklak ngayong papalapit na Undas.

Samantala, inaasahang libo-libong tao ang magtutungo sa mga sementeryo ngayong Nobyembre 1 at 2 para dalawin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

No comments:

Post a Comment