Pages

Sunday, October 26, 2014

PHO, nagbigay paalala tungkol sa sakit na Upper Respiratory Tract Infection

Posted October 25, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mahigit isang libong kaso ang naitala ng Provincial Health Office (PHO) Aklan na nagkaroon ng sakit na upper respiratory tract infection tulad ng pneumonia, bronchitis, sipon at ubo nitong nakaraang taon.

Dahilan, upang maging numerong sakit ito ng taong 2013 sa probinsya.

Kaya naman nagbigay paalala ngayon ang PHO sa publiko upang maiwasan ang nasabing sakit.

Anila, kailangan lamang ang balance diet, exercise, matulog sa tamang oras, iwasan ang paninigarilyo at pag-inom, at iwasan din ang mga taong may ubo at sipon para hindi mahawa.

Dahil din umano kasi sa pag-init ng panahon, humihina ang resistensya ng tao at mas malaki ang tiyansang dapuan ito ng sakit.

Ang sakit na upper respiratory tract infection tulad ng pneumonia, bronchitis, sipon at ubo ay mga sakit na karaniwan daw na nakukuha dahil sa pabago-bagong panahon.

Samantala sa kabilang dako, sinabi ng PHO Aklan na taunan ang kanilang isinasagawang “disease statistics survey” kaya naman hindi pa matukoy sa ngayon kung ano ang nangungunang sakit sa probinsya para sa taong 2014.

No comments:

Post a Comment