Pages

Monday, October 20, 2014

Mga mamamahayag sa Aklan, kumuha ng KBP Accreditation

Posted October 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Umabot sa humigit 40 media practitioners mula sa probinsya ng Aklan, ang kumuha ng Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas (KBP) accreditation examination nitong Sabado, October 18.

Ginanap ang pagsusulit sa bayan ng Kalibo.

Sinabi ni KBP Aklan Chairman Ron Bautista na layunin ng nabanggit na pagsusulit na masigurong may sapat na kaalaman sa broadcast standards ang bawat personalidad na madalas naririnig sa radyo.

Anya, ang KBP exam na dapat ipasa ay isang bahagi lamang ng akreditasyon ng kapisanan.

Maliban dito, kailangan ding pumasa ng mamamahayag sa management evaluation ng himpilan ng radyo, kung saan ito nabibilang.

Ilalabas ang resulta ng pagsusulit makalipas ang dalawa hanggang tatlong linggo, ayon pa kay Bautista.

Nabatid na nakasaad sa Article 30 ng 2007 Revised Broadcast Code of the Philippines na kinakailangang kumuha ng accreditation exam ang mga brodkaster kabilang na ang mga blocktimer lalung- lalo na kapag sila ay regular na naririnig o may programa sa mga radio station na kasapi ng KBP.

No comments:

Post a Comment