Pages

Monday, October 13, 2014

Mahigit 500 units na tricycle sa Boracay inaasahang mapapalitan ng e-trike sa 2015

Posted October 13, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inaasahang mapapalitan na sa susunod na taon ang mahigit 500 units na tricycle na nag o-operate ngayon sa isla ng Boracay.

Ito ang naging pahayag ni dating Sangguniang Bayan member at ngayo’y Focal Person ng e-trike implementation Program ng Malay na si Dante Pagsuguiron.

Aniya, may kabuuang 538 units ng tricycle sa Boracay ang may franchise ng LGU na inaasahang unti-unting mapapalitan ng e-trike sa mga susunod na buwan.

Nabatid na mayroong 50 units na ngayon ng electric tricycle ang bumibiyahe sa Boracay at patuloy pang nadadagdagan.

Sa kabilang banda problema umano nila sa ngayon ang manufacturer ng e-trike na magsusuplay para sa unti-unting pagpalit ng tricycle hanggang sa 2015.

Napag-alaman na bago pumasok ang e-trike sa isla noong nakaraang taon ay hanggang anim na buwan lang ang ibinagay na operasyon sa mga lumang tricycle sa Boracay.

Ito ang final na napagkasunduan ng e-trike adhoc committee, kaugnay sa mga lumang unit sa Boracay lalo na ang hindi pasok sa “aging policy” na ginawa ng LGU Malay.

Kung saan ang lahat ng motor tricycle na nabili bago ang taong 2008 ay pahihintulutan pang ipasada, pero limitado lamang umano at hanggang anim na buwan ang itatagal sa isla at ang mga bagong nag-operate ay hanggang sa susunod na taon na lamang.

Samantala, target ng LGU Malay na bago ang gaganaping APEC Conference sa Boracay sa May 2015 ay madadagdagan na ang limampung e-trike upang maging dagdag atraksyon sa mga turista.

No comments:

Post a Comment