Pages

Monday, October 20, 2014

Kasaysayan ng Ati-Boracay, inspirasyon ng Indigenous Peoples sa buong Pilipinas ayon sa NCIP

Posted October 20, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Inspirasyon ng Indigenous Peoples sa buong Pilipinas ang kasaysayan ng mga Ati sa Boracay.

Ito ang sinabi ni National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Chairperson Atty. Leonor Quintayo, sa ginanap na Thanksgiving Celebration ng Ati Community nitong Sabado.

Ayon kay Quintayo, hindi kakayanin ng gobyerno ang pag-unlad ng mga Katutubong Ati sa Boracay ngayon kung pagbibigay lamang ng CADT o Certificate of Ancestral Domain Title ang pag-uusapan.

Subali’t talagang buhay umano ang Indigenous Peoples sa Boracay dahil sa pagkakaisa ng gobyerno, simbahan at sosyodad.

Samantala, hinimok din ni Quintayo ang mga katutubo na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan para sa magandang kinabukasan ng kanilang kumunidad.

Magugunita namang ipanagkaloob ng pamahalaan ang CADT o Certificate of Ancestral Domain Title sa mga Boracay-Ati nitong Enero 21, 2011.

No comments:

Post a Comment